Jumbo Plastic nakisosyo
MANILA, Philippines - Sumalo ang Jumbo Plastic sa liderato nang maisantabi ang hamon ng Café France tungo sa 74-70 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Nagising si Jason Bal-lesteros matapos tapyasan ng Bakers ang 10 puntos kalamangan at ginawang 68-69 na lamang nang angkinin ng 6’7†center ang tatlong sumunod na puntos sa 5-2 palitan para sa ikalawang sunod na tagumpay.
“Sumobra ang kumpiyansa,†wika ni Giants coach Stevenson Tiu matapos ang muntik na pagkulapso sa laro. “But we need this type of situation as a learning experience.â€
May 13 puntos at 14 board si Ballesteros upang suportahan ang tig-14 puntos nina Elliot Tan at Jan Colina.
Sina Eliud Poligrates, Mike Parala, Jens Knuttel at Josan Nimes ay nagsama-sama sa 51 puntos para sa Bakers na ininda ang maagang paglayo ng Giants, 20-5, para malag-lag sa ikalawang pagkatalo sa tatlong laro.
Binigo naman ng Blackwater Sports ang plano ng Boracay Rum na gawing tatlo ang nasa liderato sa 87-85 panalo sa Boracay Rum sa ikalawang laro.
Sina Narciso Llagas, Bacon Austria at Kevin Ferrer ang mga nagtulung-tulong sa 14-4 pali-tan para tabunan ang 59-66 iskor at maging 73-70 sa huling 6:43 sa orasan.
May 15 puntos si Chua, tig-14 ang ibinigay nina Jericho Cruz at Ferrer habang sina Llagas at Rob Celiz ay may 11 at 10 puntos.
Si Ken Acibar ay may 16 puntos habang si Chris Banchero na sa off-season ay kasama ng Blackwater pero napunta sa Boracay nang mapili sa drafting, ay may 14 puntos at 9 assists.
Ininda naman ng NU-Banco de Oro ang kakulangan ng karanasan ng kanilang manlalaro para maisuko ang 92-91 pagkatalo sa Big Chill.
Si Janus Lozada ang nagbigay ng go-ahead basket sa kanyang 3-pointer, 92-91, bago itinapon ni Gelo Alolino ang inbound play nang maagaw ito ni Kazim Mirza.
May 1.6 segundo pa ang nalalabi sa orasan matapos ang buslo ni Lozada at may isang time-out pa ng koponan ni coach Eric Altamirano pero nagmadali si Alolino para malaglag sa 0-2 ang koponan.
- Latest