No. 5 jersey ni Kidd iniretiro ng Nets
NEW YORK – Iniangat ni Jason Kidd ang Nets sa tugatog ng tagumpay noong naglalaro pa ito sa NBA. Nitong Huwebes, iniangat ang kanyang No. 5 jersey sa rafters.


Iniretiro ng Nets ang jersey ni Kidd sa isang se-remonya bago i-coach ng dating star player ang koponan kontra sa Miami Heat.


Tumapos si Brook Lopez ng 14-points upang pa-ngunahan ang Brooklyn sa kanilang 86-62 pananalasa sa Miami Heat.
Dumating si Kidd sa New Jersey noong 2001 at agad niyang inihatid ang Nets na dating isang mahinang franchise, sa dalawang sunod na NBA Finals appearance.
Lumaro ito sa Nets hanggang sa na-trade siya sa kalagitnaan ng 2007-08 season matapos maging franchise leader sa napakaraming statistical categories.


Ang Nets ay perennial Eastern Conference contender noong kapanahunan ni Kidd at noon lang nila nagawa maliban noong nasa ABA pa sila.

“He was the catalyst that made us what we were,’’ sabi ni NBA president Rod Thorn, ang Nets general manager na nakakuha kay Kidd mula sa Phoenix.


Nagretiro si Kidd noong nakaraaang season matapos gumugol ng isang season sa New York Knicks, ang kanyang ika-19th season.
Pumangalawa siya sa NBA history sa assists at steals, at pangatlo sa 3-pointers made.
Nanalo siya ng dalawang Olympic gold medals at tinulungan niya ang Dallas na maging 2011 NBA championship.


Sa iba pang preseason game, nanalo ang Sacramento sa Phoenix, 107-90; New Orleans sa Oklahoma 105-102; San Antonio sa Atlanta, 106-104; Cleveland sa Detroit, 96-84; at New York sa Washington, 98-89.
- Latest