NCAA basketball aabot ng December?
Nakaligtas man ang NCAA sa pagkakansela ng laro dahil sa baha dulot ng bagyo... Walang nagawa ang pamunuan ng liga kundi magkansela uli ng laro kahapon.
Nadagdagan na naman ng playdate ang NCAA kaya extended na naman sila. Ilang beses naapektuhan ang mga laro ng NCAA dahil sa baha dulot ng mga bagyong tumama sa ating bansa.
Nakaligtas ang Maynila sa bagyong Santi na nanalasa sa Nueva Ecija…. pero ang NCAA, hindi nakaligtas sa pagkakansela ng laro…
Siguradong aabutin na ng Nobyembre bago matapos ang eliminations ng NCAA.
May Final 4 pa…tapos finals…
Malamang na December na ‘yan matatapos kung magkakaroon pa ng mga kanselasyon.
Ang haba ng season ngayon ng NCAA.
First time daw ito sa Seniors kung sakaling uma-bot ng December pero nangyari na daw ito sa Juniors na umabot hanggang December.
Bukod sa mga bagyo, nagpahinga din ang NCAA bilang pagbibigay daan sa FIBA-Asia Championships kung saan naka-silver ang Gilas Pilipinas.
***
Hindi ito ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. fight na inaabangan ng marami, ma-laki at importanteng laban ang haharapin ng ating Pambansang Kamao.
Hindi puwedeng basta-basta-training lang ang gagawin ni Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Brandon’ Bambam’ Rios sa Nov. 24 sa Macau. Kailangang seryosohin niya ito ng husto.
Sa labang ito nakasalalay ang kanyang boxing career, ang kanyang estado sa larangan ng boxing, ang kanyang reputasyon bilang boksingero.
Maraming nakataya kay Pacquiao sa labang ito. Marami siyang kailangang burahin sa labang ito.
- Latest