^

PM Sports

EAC Generals magpapalakas sa Final 4 Sa pagharap sa Arellano

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paiinitin pa ng Emilio Aguinaldo College ang kanilang laban sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four sa pagharap sa Arellano Univesity sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May 8-7 baraha ang Generals at sakaling manaig pa sa Chiefs sa ika-4 ng hapon na labanan, lalagyan nila ng pressure ang pahingang San Sebastian na siyang may tangan ng puwesto sa 8-6 baraha.

Sariwa ang tropa ni  coach Gerry Esplana sa 85-83 panalo sa St. Benilde noong Huwebes at pihadong inspirado ang Generals na dugtungan pa ang panalo para gumanda ang posibilidad na makalaro sa unang pagkakataon sa semifinals sa pinakamatandang liga sa bansa.

“May oportunidad kaming makalaro sa Final Four at nasa amin ito kung paano namin hahawakan,” wika ni Generals coach Gerry Esplana.

Asahan naman na makikipagsabayan ang Chiefs na sa 5-9 baraha ay may katiting na tsansa pang umabante kung wawalisin ang nalalabing apat na laro.

Ang Letran ang susukat sa husay ng Blazers sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

Sa 11-3 baraha, ang makukuhang panalo ng Knights ay magbibigay daan para samahan na nila ang San Beda sa Final Four.

Kailangan ng tropa ni coach Caloy Garcia na manalo dahil sunod nilang makakaharap ay ang Perpetual Help na maaaring maggawad sa Knights ng mahalagang twice-to-beat advantage.

Dapat na magtrabaho pa rin ang Knights dahil ang Blazers ay natutulad sa sitwasyon ng Arellano matapos magkaroon ng iisang 5-9 baraha.

ANG LETRAN

ARELLANO UNIVESITY

CALOY GARCIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with