^

PM Sports

Unang major basketball title ni Parker at ng France

Pang-masa

LJUBLJANA, Slovenia – Nakopo ng France ang kanilang unang major basketball title nitong Linggo matapos igupo ang Lithuania, 80-66  sa finals ng European championships.

Tahimik sa larong ito si San Antonio Spurs star Tony Parker matapos magbida sa mga naunang laro.

Kumawala ang France sa third quarter sa pamamagitan ng 14-0 run kung saan scoreless ang Lithuania ng 4 minuto. Lumaki ang bentahe ng France sa 22, may 3 minuto na lang na natitira sa naturang yugto at hindi na nakarekober pa ang Lithuania.

Umiskor si Nicolas Batum ng Portland Trail Bla-zers ng 17 points habang ang Spurs teammate ni Parker na si  Boris Diaw ay nagdagdag ng 15 para sa France.

Si Parker na tumapos ng 12 points matapos magtala ng apat na puntos lamang sa unang tatlong quarters, ang itinanghal na tournament MVP dahil umiskor ito ng 32 points kontra sa defending champion Spain sa semifinals.

Pinangunahan ni Linas Kleiza, lumaro ng pitong seasons sa NBA sa Portland at Denver, ang Lithuania sa kanyang 20 points.

Ang titulo ay tumapos sa ilang taong pagkaunsiyami ng France na may anim na NBA players sa team. Ang France ay natalo sa finals kontra sa Spain dalawang taon na ang nakakaraan at naka-bronze lamang noong 2005.

Tinalo naman ng Spain ang Croatia 92-66 sa bronze medal game.

 

ANG FRANCE

BORIS DIAW

CROATIA

FRANCE

LINAS KLEIZA

NICOLAS BATUM

PORTLAND TRAIL BLA

SAN ANTONIO SPURS

SI PARKER

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with