^

PM Sports

France vs Lithuania sa finals ng Eurobasket

Pang-masa

LJUBLJANA - Nakakuha ang France ng pagkaka­taon na makamit ang kanilang unang major basketball title matapos magbida ang 31-na si Tony Parker sa 75-72 overtime win laban sa Spain sa kanilang European Championship semifinal match.

Makakasagupa ng French, tinalo ng Spain sa 2011 Fi­nals, ang Lithuania na tumalo sa Croatia, 77-62, para sa titulo.

Umiskor si Parker, May tatlong NBA titles para sa San Antonio Spurs, ng 32 points para tulungan ang France na makabangon mula sa isang 14-point halftime deficit upang makatabla sa Spain sa 65-65 sa fourth quarter.

Kumawala naman sa Spain ang tsansang makuha ang kanilang ikatlong sunod na European title.

Matapos maimintis ang una nilang 10 attempts sa three-point range sa first half, nagsalpak naman ang France ng 9-of-10 shots sa 3-point range, habang umiskor naman si Parker ng mga lay-ups at perimeter shots.

Umabante naman ang Lithuania sa una nilang finals stint matapos magkampeon noong 2003.

Umiskor si shooting guard Jonas Maciulis ng 23 points kasunod ang 22 ni forward Linas Kleiza at 18 ni play­maker Mantas Kalnietis.

Mula sa dikitang first half, isang 18-3 arangkada ang ginawa ng Lithuanians sa kaagahan ng third quarter para iposte ang 58-40 kalamangan kontra sa Croatians.

 

CROATIA

EUROPEAN CHAMPIONSHIP

JONAS MACIULIS

KUMAWALA

LINAS KLEIZA

MANTAS KALNIETIS

SAN ANTONIO SPURS

TONY PARKER

UMISKOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with