^

PM Sports

Pacquiao sinimulan na ang aksyon sa ibabaw ng ring

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang beses na paglalaro ng basketball at pagtakbo sa track oval ay sinimulan na ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kan­yang seryosong pagpapakondisyon sa kanyang Wild Card Gym sa General Santos City.

Kasama si Filipino assistant trainer Buboy Fernandez, umakyat sa boxing ring si Pacquiao at bumitaw ng ilang suntok.

Ang isa dito ay tumama sa panga ni Fernandez.

Si Fernandez ang pansamantalang humahawak sa pag­sasanay ng 34-anyos na si Pacquiao dahil sa ikalawang linggo pa ng Oktubre darating sa bansa si chief trainer Freddie Roach.

Kasalukuyang inihahanda ni Roach si Miguel Cotto sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Sasagupain ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World Bo­xing Organization International welterweight title sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Tatanggap si Pacquiao ng guaranteed prize na $18 milyon, habang $4 milyon naman ang makukuha ng 27-anyos na si Rios.

BAM BAM

BUBOY FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

MIGUEL COTTO

ORGANIZATION INTERNATIONAL

PACQUIAO

SI FERNANDEZ

WILD CARD BOXING GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with