Power Pinays umiskor sa Asian Women’s Volleyball
NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Tinalo ng Philippine Team ang Sri LanÂka, 19-25, 25-18, 19-25, 25-23, 15-11, para sa kaÂnilang unang panalo sa 17th Asian Women’s VolÂÂleyÂball Championship sa MCC Hall noong LuÂnes ng gabi.
Ito ang unang panalo ng bansa sa naturang bienÂnial meet matapos ang waÂlong taon.
Ang tagumpay ang nagÂbigay sa 16th-ranked na Power Pinays ng pagÂkaÂkataong lumaban para sa ika-9 hanggang ika-12 puÂwesto sa classification phase kung mananalo sila sa Myanmar.
Naiwanan ng isang set ng 13th ranked na Sri LanÂka, winalis ng Power PiÂnays ang huling dalawang sets para kunin ang panalo.
Pinamunuan ni veteÂran Aiza Maizo-Pontillas ang pagbangon ng kopoÂnan sa deciding set kung saan sila bumawi mula sa 9-11 paghahabol para umiskor ng anim na puntos.
Tumapos ang UST alumÂnus na may team--high na 22 points.
- Latest