PNP lusot sa Judiciary sa UNTV Cup
TEAM W L
PNP 4 0
Judiciary 3 2
AFP 3 2
MMDA 2 2
PhilHealth 2 2
Congress-LGU 2 3
DOJ 0 5
MANILA, Philippines - Bumangon ang Philippine National Police (PNP) mula sa 20 point deficit at nanalo pa sa Judiciary sa overtime, 92-89, para kunin ang unang awtomatikong puwesto sa semifinals ng 1st UNTV Cup na naglaro noong Linggo sa Pasig Sports Center sa Pasig City.
Angat ang Judiciary sa 74-54, nagtulung-tulong sina Olan Omiping, James Tacsay, Japhet Cabahug at John Herbert Bergonio upang maihirit ang overtime sa 78-all bago naipagpatuloy ang momentum sa limang minutong extension tungo sa ikaapat na sunod na panalo.
Ang 6’6†center na si Don Camaso ay mayroong 38 puntos bukod sa 18 rebounds para sa Judiciary na nakitang nagwakas ang three-game winning streak tungo sa 3-2 baraha.
Humigpit ang tagisan para sa ikalawang puwesto matapos pataubin ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) ang Metro Manila Development Authority (MMDA), 114-86, para sa ikatlong panalo sa limang laro.
Winakasan naman ng Congress-LGU ang tatlong sunod na pagkatalo nang tambakan ang Department of Justice, 98-65, para sa 2-3 baraha.
Si dating PBA player at coach ng Emilio Aguinaldo College sa NCAA na si Gerry Esplana ay mayroong all-around game na 25 puntos, 6 rebounds, 6 steals, 4 assists at 1 block para patalsikin na sa liga ang DOJ sa nalasap na ikalimang sunod na pagkatalo.
- Latest