P30M ang kailangan sa pagre-repair ng mga binahang pasilidad sa RMSC
MANILA, Philippines - Mangangailangan ng P30 milyon ang Philippine Sports Commission (PSC) para maisaayos ang mga nasirang pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) dulot ng baha na hatid ng habagat na dala ng bagyong Maring dalawang linggo na ang nakalipas.
Nasira ang mga flooring ng badminton hall at sa Ninoy Aquino Stadium habang nadisgras-ya rin ang mga mats na ginagamit sa gymnastics upang hindi makapag-training ngayon ang mga atleta sa nasabing mga palaruan.
“The most damaged was gymnastics, Ninoy Aquino Stadium and badminton. Wushu nagkaroon ng problema sa roofing. Initial estimate is almost P30 milyon ang kakaila-nganin,†wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Hindi naman naapek-tuhan ng husto ang Rizal Memorial Coliseum dahil ang sahig nito ay detachable at lumutang ang flooring noong pinasok ng tubig ang palaruan.
Para matugunan ang perang kakailanganin, isasantabi muna ng PSC ang planong paglalagay ng aircon sa makasaysa-yang Rizal Coliseum.
“What we will do is that we will have to realign funds from other projects like the airconditioning of the Rizal Memorial which is estimated to be at P30 million. Kailangan nating ipaayos ang mga facilities natin because a bigger number of athletes ang makikinabang dito. Wala na tayong ibang magagawa rito,†paliwanag ni Garcia.
Unang bibilihin ay ang mga inter-locking mats na kailangan na sa gymnastics para makapagsanay ang kanilang mga atleta.
- Latest