‘Pilay’ na Red Warriors sasagupa sa Bulldogs ngayon
MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng UAAP technical comÂmittee ang naunang reÂkomendasyon ni ComÂmisÂsioner Chito Loyzaga na patawan ng two-game susÂpension si 6-foot-8 import Charles Mammie ng University of the East.
Dahil dito, maglalaÂro ang Red Warriors na wala si Mammie bukod pa kay Lord Casajeros, naÂpatawan ng isang one-game suspension, laban sa National University Bulldogs ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa Smart AraÂneta Coliseum.
Base sa nakita niya sa video, sinabi ni Loyzaga na iniwanan ni Mammie ng paa ang babagsakan ni Terrence Romeo ng Far Eastern University sa 84-88 double overtime loss ng UE noong nakaraang Linggo.
Sinuntok naman ni CaÂÂsajeros si Romeo sa naÂsaÂbi ring laro.
Ang kabiguan ng Red Warriors ang magpapalaÂbo sa kanilang tsansa sa FiÂnal Four.
Nanggaling naman ang Bulldogs sa 75-61 pagÂÂgiba sa University of Sto. Tomas Tigers.
Sa unang laro sa alas-2 ay magkikita ang Adamson University at ang University of the Philippines.
- Latest