PSC nagmatigas sa ‘lean delegation’ para sa SEA Games
MANILA, Philippines - Taliwas sa malaking bilang ng delegasyong gustong ipadala ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar, nagmatigas naman si Philippine Sports Commission Richie Garcia sa nauna niyang pahayag.
Sinabi kahapon ni Garcia na 200 hanggang 300 bilang ng atleta lamang ang nais niyang bumuo sa National delegation para sa 2013 SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.
“I am still pushing for a small delegation. That has been my opinion everytime we talk,†ani Garcia. “That is my pronouncement, let us send a small delegation that will represent our country well.â€
Nauna nang nagkaisa sina Garcia at Cojuangco na maliit na delegasyon lamang ang isabak sa 2013 SEA Games dahil sa ginawang ‘dagdag-bawas’ ng Myanmar sa ilang sports events.
Ang pagpapadala ng maliit na bilang ng mga atleta, ayon kina Garcia at Cojuangco, ay simbolo ng kanilang protesta sa ginawa ng Myanmar.
Ngunit noong nakaraang linggo ay sinabi ni Cojuangco na maaaring lumobo sa 500 ang bilang ng National contingent.
Ayon kay Garcia, mas gusto niyang magpadala ng maliit na delegasyon.
“Kahit na dalawang daan lang ‘yun (atleta), ang medalyang mapapanalunan natin sa dalawang daang (atleta) will be the same as if we send 500 or a thousand. Gastos lang itong malaking delegasyon eh,†ani Garcia.
Sa 36 events na napagkunan ng mga Filipino athletes ng mga medalya sa 2011 SEA Games, ang 16 dito ay hindi lalaruin sa Myanmar.
Kabuuang 1557 medalya ang pag-aagawan ng mga atleta sa Myanmar kung saan ang 460 dito ay gold, 460 ay silver at 637 ay bronze.
Makaraang hirangin bilang overall champion noong 2005 Manila SEA Games nang kumolekta ng 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nalag-lag ang bansa sa No. 6 (41-91-96) noong 2007 sa Thailand, No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (36-56-77) sa Indonesia noong 2011.
- Latest