L.A. Lakers hinugot si Harris
July 29, 2013 | 12:00am
LOS ANGELES -- Kinuha ng Lakers si dating Gonzaga forward Elias Harris na nagpabilib sa kanila sa Summer League sa Las Vegas.
Nakipagkasundo si Harris, isang undrafted player noÂong Hunyo, sa lakers para sa isang two-year, miniÂmum-salary contract, ayon sa ulat ng Los Angeles Times.
Sa limang laro sa Las Vegas, naglista si Harris ng mga averages na 10.2 points at 5.6 rebounds per game.
Si Harris ay isang 6-foot-8, 240-pound forward na siyang papalit sa puwesto ni Clark.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended