^

PM Sports

Rain Or Shine vs San Mig sa pagbubukas ng PBA

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaagad na makakatapat ng nagdedepensang Rain or Shine ang San Mig Coffee sa pagbubukas ng 2013 PBA Governors Cup sa Agosto 14 sa MOA Arena.

Magsasagupa ang Elasto Painters at Mixers sa ganap na alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Globalport Batang Pier at Air21 Express sa alas-5:15 ng hapon.

Muling ipaparada ng Rain or Shine ni head coach Yeng Guiao ang 27-anyos na si Reid, ang Best Import sa 2010-11 Governors Cup kung saan siya nagtala ng mga averages na 28.7 points at 15.5 rebounds.

Sa nasabing komperensya tumapos ang Elasto Painters bilang pang lima.

Itatapat naman ng San Mig Coffee ni Tim Cone ang nagbabalik na si Marqus Blakely.

Sa unang laro, ibabandera ng Batang Pier si Markeith Cummings laban kay balik-import Zach Graham ng Express.

Maghaharap naman sa Agosto 16 ang Talk ‘N Text, itatampok si balik-import Tony Mitchell, at ang Barako Bull, babanderahan ni Mike Singletary, sa alas-5:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng Petron Blaze, hinugot si Elijah Millsap na kapatid ni Atlanta Hawks forward Paul Millsap, at Meralco, kinuha si Chris Blake, sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Agosto 18 matutunghayan ang Barangay Ginebra, ipaparada si Dior Lowhorn.

AGOSTO

ATLANTA HAWKS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BEST IMPORT

CHRIS BLAKE

ELASTO PAINTERS

GOVERNORS CUP

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with