Para iwasan si Pacquiao: May dahilan na naman si Mayweather
MANILA, Philippines - Nakahanap na naman ng paraan si Floyd Mayweather, Jr. para maiwasan si Manny Pacquiao.
Ito ang reaksyon ni Michael Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao, kaugnay sa naunang pahayag ni Mayweather na lalabanan lamang niya ang Filipino world eight-division champion kung lilipat ito sa kanyang boxing promotions.
“It’s nothing but ano-ther excuse,†wika kahapon ni Koncz sa panayam sa kanya ng Boxing Scene.
Ayon pa kay Koncz, pumayag na si Pacquiao sa 50-50 hatian sa premyo para matuloy na ang inaabangan nilang salpukan ni Mayweather.
“The facts are very simple. I put Manny and Floyd on the phone together. Yes, Floyd offered $40 million and offered to send him $20 million. Yes, Manny told him I want 50-50 on the revenue split, and Manny said ‘I’m going to send Michael down there to see if we can work this out,’†ani Koncz.
Ngunit nang magtu-ngo si Koncz sa Las Vegas, Nevada para kausapin si Mayweather bilang kinatawan ni Pacquiao ay hindi siya pinansin nito.
“I’m not going to belittle myself to their level and do name-calling,†ani Koncz. “It’s a childish forum and I have no intention of doing that.â€
Kamakalawa ay sinabi ng 36-anyos na si Mayweather (44-0-0, 26 KOs) na papayag siyang labanan ang 34-anyos na si Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) kung lilipat sa kanyang Mayweather Promotions.
Si Pacquiao ay nakatali pa sa Top Rank Promotions ni Bob Arum hanggang 2014.
- Latest