^

PM Sports

Makukuha ng Nuggets si Foye sa Igoudala deal

Pang-masa

OAKLAND, Calif. – May makukuha rin palang kapalit ang Denver Nuggets para kay Andre Iguodala.

Pumayag ang Nuggets sa hiwalay na sign-and-trade deals para makuha nila si guard Randy Foye mula sa Utah Jazz at ibigay si Iguodala sa Golden State Warriors, ayon sa taong pamilyar sa nangyaya-ring negosasyon.

Plano ng Warriors na papirmahin si Iguodala ng four-year, $48 million deal bilang free agent noong nakaraang linggo ngunit binawi nila ito na nagbigay sa  Golden State ng mas maluwag na salary cap. Magkakaroon din ang Denver ng $9 million trade exception habang magkakaroon ng pagkakataon ang Utah na palakasin ang team.

Ayon sa source, ang original na Warriors-Jazz deal ay mananatili pa rin.

Ang Warriors ay makakaluwag ng $24 million sa salary cap sa pagbibigay kina Richard Jefferson, Andris Biedrins at Brandon Rush sa Jazz kasama ang ilang draft picks. Ang lahat ng tatlong ito ay nasa huling taon ng kanilang kontrata. Makukuha lamang ng  Golden State si Kevin Murphy at ang kanyang non-guaranteed $788,000 deal mula sa Utah.

Sinasabing pipirma si  Foye ng  three-year contract na nagkakahalaga ng $9 million. Tatanggap ang Utah ng ilang draft picks mula sa Golden State, kabilang ang kanilang 2014 at 2017 first-round picks.

Sa pagpapapirma kay  Iguodala bago ibigay sa Warriors, makakakuha ang Denver ng trade exception na nagkakahalaga ng $9 million na magagamit nila ngayong taon.

Magkakaroon din ang  Warriors ng flexibility na makakuha ng ibang free agents base sa kumplikadong salary cap system ng NBA.

vuukle comment

ANDRE IGUODALA

ANDRIS BIEDRINS

ANG WARRIORS

BRANDON RUSH

DENVER NUGGETS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

IGUODALA

KEVIN MURPHY

MAGKAKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with