Iguodala kinuha ng Warriors para sa isang $48-M contract
OAKLAND, Calif. -- Nagkaroon na ng kasunduÂan ang Golden State Warriors at si swingman Andre IguoÂdala para sa isang $48 million, four-year deal.
Sinabi ng isang source na pinaluwag ng Warriors ang kanilang salary cap ng $24 milyon matapos dalhin siÂna Richard Jefferson, Andris Biedrins at Brandon Rush sa Utah Jazz kasama ang ilang draft picks.
Tanging kinuha ng Warriors si Kevin Murphy at ang kanyang non-guaranteed na $788,000 deal para sa susunod na season.
Makakatanggap ang Utah ng ilang draft picks mula sa Golden State, kasama dito ang 2014 at 2017 first-round picks.
Pinakawalan ng Golden State ang kanilang mga plaÂÂyers na may expiring contracts para makuha si IguoÂÂdala.
Umabante ang Warriors sa second round ng nakaÂraang playoffs sa likod ni point guard Stephen Curry.
Nagtala si Iguodala ng mga averages na 13 points, 5.4 assists at 5.3 rebounds sa nakaraang season para sa DenÂver Nuggets.
Natalo ang Nuggets sa Warriors, 2-4, sa opening round ng nakaraang playoffs.
Ang unang walong taon ni Iguodala ay ginugol niÂya sa Philadelphia 76ers.
- Latest