Dinale na naman ni Floyd si Manny
MANILA, Philippines - Bagama’t umaasa pa si Manny Pacquiao na matutuloy pa rin ang kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon, posibleng hindi na mangyari ito matapos ang mga pahayag ng American undefeated boxer.
Siguradong hindi magugustuhan ni Pacquiao ang mga pahayag ni Mayweather na nagsabing laos na ang eight division world champion.
“Pacquiao’s a has-been, his career is over,†ani Mayweather na abala sa pagpo-promote ng kanyang Sept. 14 na laban kontra kay Canelo Alvarez.
Hindi na bago ang laging paninira, pangungut-ya ni Mayweather kay Pacquiao matapos ilang beses mabigo ang negosasyon ng kanilang laban.
Nasabi ng 36-gulang na si Mayweather na laos na si Pacquiao dahil sa dalawang sunod na talo ng Sarangani Congressman noong nakaraang taon.
Lumasap ang 34-gulang na si Pacquiao, hindi natalo sa loob ng pitong taon, ng napakakuwestiyunableng pagkatalo kay Timothy Bradley at isang mahirap tanggaping knockout kontra kay Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.
Tiningnan ito ni Mayweather na senyales na tapos na ang career ni Pacquiao.
“(Juan) Manuel Marquez is a legend. I commend him,†sabi ni Mayweather, na bumalik sa boxing mula sa retirement at tinalo ang 39-gulang na Mexican noong 2009.
Ibinalita din ng Digital Journal na sinabi ni Mayweather na si Pacquiao ay nilikha lamang ng media.
“You guys (the media) built Pacquiao up to this level, and said he was better than Floyd Mayweather.... you guys did. I’m not pointing a finger at no particular figure. I’m going to stay in my lane and I’m pretty sure that Pacquiao will stay in his lane,†sabi ni Mayweather.
Nakatakdang harapin ni Pacquiao, nanalo ng kanyang ikalawang term bilang congressman ng Sarangani, si Brandon Rios sa Nov. 24 sa Macau.
Hindi na puwedeng matalo si Pacquiao sa ikatlong pagkakataon dahil lalong magkakaroon ng katotohanan ang sinabi ni Mayweather.
- Latest