Ang KO win kay Pacquiao ang mahalaga kay Marquez
MANILA, Philippines - Ang kanyang panalo kay Manny Pacquiao sa kaÂnilang huling pagkikita ang siyang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip si Juan Manuel Marquez na gawin ang kanilang pang-limang paghaharap.
Ito ang sinabi ni boÂxing trainer Naazim RiÂchardson sa pag-aalinlangan ni Marquez na muling sagupain si Pacquiao.
“I’ve asked this a lot of time in the gym to young fighters. I said, would you rather have the draw and two wins that Pacquiao has or would you rather have the one win that MarÂquez has?†wika ni RiÂchardson sa panayam ng On the Ropes Boxing RaÂdio.
“Most people said to me they rather have that one Marquez win, especially when it came, in the last fight. It almost erased the other fights,†dagdag pa ng trainer ni Sugar Shane Mosley.
Pinatulog ng 39-anÂyos na si Marquez ang 34-anyos na si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaÂapat na paghaharap noÂong Disyembre 8, 2012.
Bago ito, naipanalo ni Pacquiao ang dalawa sa apat na laban nila ni Marquez.
Nauwi sa draw ang kaÂÂnilang unang pagkikita.
“For Marquez, do you think you can go up to him and he’d be convinced he could out do that performance?†sabi ni Richardson kay Marquez.
Kagaya ni Marquez, umatras din si Timothy BradÂley, Jr. sa rematch kay Pacquiao.
Tinalo ni Bradley si PacÂquiao via split decision nong Hunyo 9, 2012 paÂra agawin sa Filipino boÂxing icon ang suot nitong WBO welterweight crown.
Nakatakdang hamuÂnin ni Marquez ang 30-anyos na si Bradley paÂra sa suot nitong WBO belt sa Oktubre.
- Latest