Parang walang injury ang laro ni Parker pero...
SAN ANTONIO – Tinupad ni Tony Parker ang kanyang pangako na magiging handa siya sa Game 4 ng NBA Finals.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya natapos ang laro.
Makaraang tumipa ng 15 points sa first half ay hindi na nakaiskor ang All-Star point guard sa second half para sa San Antonio Spurs.
Inamin ni Parker, nagkaroon ng hamstring strain sa Game 3, na kinapos na siya sa second half.
Naglista si Parker ng 0-of-4 fieldgoal shooting sa second half.
“It was kind of weak. I didn’t know what to expect,†sabi ni Parker. “So the first three, four minutes I was kind of testing it, and the first half it felt OK. And the second half I think I got fatigued a little bit. Overall I’m just happy I didn’t make it worse,†dagdag pa nito.
Tumabla ang Heat sa Spurs sa 2-2 sa finals series at pamamahalaan ng San Antonio ang Game 5 sa Linggo.
Sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich na hindi ang kalusugan ni Parker ang problema.
“Miami did a great job on him,†wika ni Popovich kay Parker. “They doubled. They got it out of his hands and other people had to play.â€
Tumapos si Parker na may 7-of-16 fieldgoal shooting at tatlong beses lamang tumapak sa foul line.
Naglaro si Parker sa loob ng 31 minuto hanggang sa fourth quarter kung saan tuluyan nang kumawala ang Heat.
Nasaktan si Parker sa second half ng Game 3 at sumailalim siya sa isang MRI noong Miyerkules kung saan nalaman na ito ay isang Grade 1 strain.
Nagdesisyon lamang si Parker na maglaro sa kanilang morning shootaround.
- Latest