Bumalik na ang sigla sa karerahan
MANILA, Philippines - Balik na uli ang sigla sa karerahan mula sa gabing ito dahil sa pagdagsa ng mga kabayong maglalaban-laban sa sampung karera na mangyayari sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
May 109 na kabayo ang nakapaloob sa programa sa gabing ito na pinakamarami sa huling dalawang linggo.
Dinagsa ng mga kabayo ang karera ngayon matapos alisin na ng tatlong malalaking horse owners’ organizations ang ipinatawag na ‘racing holiday’ para tuligsain ang pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Naniniwala ang Tri-Org na binubuo ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan na naiparating na nila ng maayos sa Palasyo at sa taong-bayan ang kanilang problema na hindi umano inaaksyunan ng Philracom na pinamumunuan ni chairman Angel Castano Jr.
Ang Komisyon ay kumilos na rin nang sagutin bawat punto na ibinato sa kanila ng Tri-Org matapos hingian ng komento ng Malacañang.
Ngayong nakabinbin pa ang anumang aksyon ng Palasyo, nabuhay na uli ang pista dahil ang mga kasapi ng Tri-Org ay pinagdedeklara na ng kanilang orga-nisasyon hanggang Linggo.
Mga ‘no bearing no effect race’ pa rin ang mangyayari pero pasisiglahin ang karera sa pagkakaroon ng tatlong “Post Summer Racing Festival†na sinahugan ng Philracom ng added prize na P20,000.00.
Ang mga mananaya ay magrarambulan din sa super six carryover na P92,262.89 sa race two.
Lalong iinit ang karera bukas (Sabado) sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite dahil sa paglarga ng 2nd Leg ng 2013 Philracom Triple Crown Championships na katatampukan ng 14 kabayo na magsusukatan sa 1,800-metro at pag-aagawan ang P1.8 milyon na unang premyo sa P3 milyon na itinaya.
Ilalarga rin ang Philracom Hopeful na may P1 milyong kabuuang premyo at P600,000.00 para sa mananalong kabayo. Ang pista sa isang linggo ay magtatapos sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa gaganaping 343rd “Araw ng Makati 2013 Cup†at ang “Manila Horsepower Cupâ€.
- Latest