^

PM Sports

Silver Cup ipinagpaliban ng PCSO

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdesisyon ang Philippine Chari-ty Sweepstakes Office (PCSO) na ilipat ang pagtakbo ng Silver Cup sa ibang araw upang makaiwas sa problemang dulot ng ipinatawag na racing holiday ng tatlong malalaking horse owners groups.

Sa halip na itakbo kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, nagdesisyon ang pamunuan ng PCSO na ilarga na lamang ito sa Hunyo 30.

Ang aksyon ay matapos maghayag ang mga kasapi ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan na iaatras ang kanilang mga kabayong idineklara sa premyadong  karera na naglalaan ng P2.5 mil-yon para sa mananalong kabayo.

Sa makapigil-hiningang 2,000-metro inilagay ang karera at ang mga deklaradong mga kabayo ay ang premyadong kabayo noong 2012 na Hagdang Bato at coupled entry na Barkley para kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Sulong Pinoy ni Wilbert Tan, Big Daddy’s Dream ng Jade Bros. Farm and Livestock Inc., High Voltage ni Herminio Esguerra, Patron ni Leonardo Javier Jr. at Chief Joesan ni Antonio De Ubago.

Patuloy na hindi nagdedeklara ng mga kabayo ang mga kasapi ng Tri-Org upang mapaigting ang hangaring pagbabago sa pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Inakusahan ng Tri-Org ang Philracom na nasa liderato ni Angel Castano Jr., na hindi tumutugon sa problemang patuloy na pagbagsak ng kita sa industriya bukod pa sa kawalan ng aksyon sa pagnanais na alisin ang 3% na ibinabawas sa winning prizes ng mga horse owners at inililipat sa Trainers’ Fund.

Nais ng Tri-Org na maghanap ang Philracom ng pondong puwedeng pagkuhanan ng dagdag na pera para sa Trainers’ Fund at ibalik na ang 3% na ibinabawas sa mga horse owners para makatulong na mabawi ang mga lugi sa pagpapanatili ng mga pangarerang kabayo dahil sa paghina ng horse racing sa bansa.

Bagama't may racing holiday, isang beses pa lamang natigil ang pista sa nagdaang linggo at noong Sabado ay nagkaroon pa rin ng aksyon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa pitong  pinaglabanang karera.

Ang mga outstanding favorites na kuminang sa gabi ay ang Jet Setter’s Lim at Magic In The Air na kumarera sa 1,300-metro distansya.

Na-scratch ang Wild Storm para ma-ging apat na kabayo na lamang ang nag-laban-laban sa karera.

Naunang nagkasukatan ang All Out, Jet Setter’s Lim at Blue Collar Boy hanggang sa huling liko bago tumulin ang Jet Setter’s Lim na hawak ni Pat Dilema.

Sinikap ng All Out na dumikit pero umarangkada na ang limang taong filly na may lahing Sail Away at Humble Beginnings tungo sa tatlong dipang agwat na panalo sa meta.

Ikalawang panalo ito ng Jet Setter’s Lim sa apat na takbo at balik-taya ang nangyari sa mga nanalig sa kabayo. Ang 3-2 forecast ay nagkaroon ng P12.50 dibidendo.

Hindi din nagpabaya ang tatlong taong colt na Magic In The Air matapos ang banderang-tapos ng kabayong hawak ni Mark Alvarez. Ang Night Boss ang pumangalawa at tila ininda ni jockey JAA Guce ang di magandang alis ng kabayo para maiwan agad ng paboritong katunggali at hindi na ito nakabawi pa.

ALL OUT

ANG NIGHT BOSS

ANGEL CASTANO JR.

JET SETTER

KABAYO

MAGIC IN THE AIR

PHILRACOM

TRI-ORG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with