Aayusin na ng NLEX, Blackwater
SEMIFINALS (best-of-3)
Laro NGAYON
(Blue Eagle Gym)
2 p.m. – Blackwater Sports
vs Boracay Rum
4 p.m. – NLEX vs Big Chill
MANILA, Philippines - Itakda ang pagkikita sa championship ang balak ngayon ng NLEX at Blackwater Sports sa Game Two ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Sasandalan ng Road Warriors at Elite ang momentum mula sa panalo sa unang pagkikita para tulu-yang igupo ang Big Chill at Boracay Rum sa kanilang best-of-three series.
Mas magandang laro ang hanap ni NLEX coach Boyet Fernandez sa kanyang mga alipores matapos mangailangan ng malakas na pagtatapos sa 66-59 panalo noong Martes.
“Masuwerte lamang kami at binitbit kami ni Greg (Slaughter). Kung ganito uli ang ilalaro namin, mahihirapan kaming manalo,†ani Fernandez.
Bukod kay Slaughter ay dapat na kumonekta rin ang mga gunners na sina RR Garcia, Garvo Lanete at Ronald Pascual matapos magsanib sa mababang 8-of-27 shooting sa field.
“Gagawa kami ng adjustments at dapat na higitan namin ang kanilang intensity,†ani Superchargers coach Robert Sison.
Sina Terrence Romeo at Jeckster Apinan ang magdadala sa koponan pero dapat na may ibang kakampi ang mag-step-up upang mas mapadali ang tangkang paghirit ng deciding Game Three.
Bago ito ay magsusukatan muna ang Elite at Waves sa ganap na ika-2 ng hapon at habol ng tropa ni coach Leo Isaac ang masundan ang 79-69 panalo na kinuha sa unang pagtutuos.
“Ito ang magiging kauna-unahang pagtungtong sa finals ng Blackwater at motivated at mataas ang morale ng mga bata,†wika ni Isaac.
Sina Allan Mangahas, Justin Chua, Gio Ciriacruz at Eric Suguitan ang ma-ngunguna sa Elite.
- Latest