^

PM Sports

Phil Jackson gusting kunin ng Raptors

Pang-masa

TORONTO -- Ang pananatili ng Kings sa Sacramento ay maaaring maging bahagi ng pagpili ni dating coach Phil Jackson sa Toronto.

Determinado ang Raptors na makuha ang serbisyo ng dating Chicago Bulls at Los Angeles Lakers coach para sa Toronto bilang bago nilang presidente, wika ng sources sa ESPN.com.

Inirekomenda sa owners’ committee noong Lunes ang pananatili ng Kings sa Sacramento imbes na ibenta ito sa Chris Hansen-led group kasunod ang paglipat sa Seattle.

Aalukin ni Hansen si Jackson na pamahalaan ang Seattle franchise kagaya ng ginagawa ni Pat Riley sa Miami Heat.

Sa pagkawala ng nasabing posibilidad, nararamda­man ng Raptors na malaki ang kanilang tsansa na ma­kuha si Jackson dahil na rin sa pagiging matalik na kai­bigan ni Tim Leiweke.

Inihayag noong nakaraang linggo ang pagiging ba­­gong CEO ni Leiweke ng Maple Leaf Sports and En­tertainment na nangangasiwa sa Raptors, sa Maple Leafs ng NFL at sa Toronto FC ng Major League Soccer.

Dating hinawakan ni Leiweke ang kumpanyang nag­papatakbo sa Los Angeles Kings at sa Los Angeles Ga­laxy.

Matapos ang dalawang taon na pagiging retirado, sinasabing gustong bumalik ni Jackson sa NBA kung saan niya iginiya ang Bulls at Lakers sa pinagsamang 11 NBA Championships.

Sinabi niya sa San Francisco Chronicle na “three or four teams” ang nagpahayag ng interes na kunin ang kanyang serbisyo at “none of it involves coaching.”

CHICAGO BULLS

CHRIS HANSEN

LEIWEKE

LOS ANGELES GA

LOS ANGELES KINGS

LOS ANGELES LAKERS

MAJOR LEAGUE SOCCER

MAPLE LEAF SPORTS AND EN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with