Memphis umangat; Denver nakadikit
LOS ANGELES --- Sinamantala ng Memphis GrizÂzlies ang pagkakaroÂon ni All-Star forward Blake Griffin ng right ankle injury para igupo ang Los AngeÂles Clippers, 103-93, sa Game 5 at kunin ang 3-2 abante sa kanilang WesÂtern Conference playoff series.
Pipilitin ng Grizzlies na tapusin ang kaÂnilang serye ng Clippers sa Game 6 sa Memphis sa Biyernes.
Nagkaroon si Griffin ng right ankle injury sa kaÂnilang team practice noong LuÂnes.
Tiniis ni Griffin sa loob ng 19 minuto ang sakit baÂgo tuluyang iwanan ang laro sa gitna ng third quarter. Tumapos siya na may 4 points, 5 rebounds at 5 assists.
Humakot naman si Grizzlies forward Zack Randolph ng 25 points at 11 rebounds.
Kumolekta si center Marc Gasol, ang side kick ni Randolph, ng 15 points at 6 rebounds, habang may 20 points si guard Mike Conley.
“We haven’t been physical enough to take Zach, Gasol or even their guards at times off the glass,†ani Clippers coach Vinny Del Negro. “They played more of their tempo, they were the aggressor. We played pretty well at times but not good enough especially in the fourth quarters in Memphis to put any pressure on them. We have to reÂbound the basketball. You can’t run withÂout the ball.â€
Tumipa si Chris Paul ng 35 points paÂÂra sa Clippers at may 15 markers si JaÂÂmal Crawford.
Sa Denver, nagtala si Andre IguoÂdaÂla ng 25 points, 12 rebounds at 6 assists paÂra igiya ang Nuggets sa 107-100 panaÂlo laban sa Warriors.
Inilapit ng Denver sa 2-3 ang kaÂnilang serye ng GolÂden State.
Nakatakda ang Game 6 sa Huwebes sa Golden State kung saan asam ng Warriors na tapusin ang Nuggets.
Tumapos si Ty Lawson na may 19 points at 10 assists para sa Denver, habang may 19 points si Wilson Chandler na tinampukan ng kanyang krusyal na 3-point shot sa huling 90 segundo para selyuhan ang kaÂnilang panalo.
Tumipa si Stephen Curry ng 15 points para sa GolÂden State mula sa maÂhiÂna niyang 7-for-19 shooting.
May 1-of-7 siya sa 3-point area.
Matapos ang laro, may black eye si Curry at nakaÂtakip ng malaking plastik ang kanyang kaliwang kamay at nakaÂlubÂlob ang kanyang mga paa sa isang ice bucket.
“I got a hit out on me,†sabi ni Curry sa Nuggets. “I don’t know what it is, just got to keep playing and do your thing.â€
Sinabi naman ni Iguodala na ibinabaÂlik nila ang pisikal na laro ng WarÂriors.
- Latest