Ginebra tinalo ang Rain or Shine patungo sa semifinal round
MANILA, Philippines - Nagsalpak ng dalaÂwang freethrows si import Vernon Macklin sa huÂling 11.1 segundo para ibigay sa BaÂrangay Ginebra ang 81-79 tagumpay laban sa Rain or Shine sa Game Two ng kanilang quarÂterfinals series sa 2013 PBA CommissioÂner’s Cup kaÂgabi sa Smart Araneta CoÂliseum.
Hindi pinansin ng No. 7 Gin Kings ang bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ng No. 2 Elasto Painters para kunin ang ikatlong seÂmifinals seat.
Makakatapat ng Ginebra ang Talk ‘N Text sa isang best-of-five semifinals showdown.
Nauna nang kinuha ng Gin Kings ang 90-83 panalo sa Game One.
“They underestimated us. They underestimated our players, nakalimutan niÂlang i-anticipate ‘yung puÂso ng mga bata,†sabi ni Ginebra coach Alfrancis Chua sa Rain or Shine ni mentor Yeng Guiao.
Nagkaroon pa ng tatlong tsansa ang Elasto PainÂters na manalo o maÂkaÂpuwersa ng overtime.
Nagmintis ang tangkang tres ni Paul Lee kasunod ang mga tumalbog na tirada nina Jeff Chan at Gabe Norwood kasabay ng pagtunog ng final buzÂzer.
Tumapos si Macklin na may 24 points kasunod ang tig-13 nina Kerby Raymundo at rookie Chris Ellis at 10 ni Mac Baracael.
Tumipa naman si rookie Chris Tiu ng 15 markers sa panig ng Rain or Shine, habang nagdagÂdag ng 14 si Lee, 12 si import Bruno Sundov at 10 si Jervy Cruz.
Ang mananalo naman sa pagitan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Meralco ang siyang haÂharap sa naghihintay na AlasÂka sa isa pang semis seÂries.
- Latest