Kate Ganda namayagpag
MANILA, Philippines - Tinuhog ng Kate Ganda ang ikalawang dikit na paÂnalo sa buwan ng Abril para maging pinakadehadong kabayo na nanalo sa pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si SC Lim ang hinete ng kabayo na dating sakay ni WC Utalla at hindi naman nanibago ang kabayo nang hingan ng hinete na ilabas ang nakatagong galing para iwanan ang nakalabang Doctor Choice.
Pangatlo sa alisan sa hanay ng walong kabayo na nagÂlaban, inunti-unti ni Lim ang pagpapalabas ng tulin sa dalang kabayo at sa huling liko ay kinuha na ang kaÂlamangan matapos mapuwesto sa balya.
Sinikap ng Doctor Choice na habulin ito pero naÂkalayo pa ng tatlong dipa ang nanalong kabayo sa pagÂtawid sa meta. Nadehado ang nagwaging kabayo daÂhil umakyat ito ng grupo nang lumaro sa Class DiÂvision 3 na inilagay sa 1,000 metrong distansya upang maÂÂkapaghatid ng P67.00 sa win, habang ang forecast na 6-1 ay nagpasok ng P285.50.
Dominado ng mga hindi napaborang kabayo ang unang gabi ng karera sa linggong ito at bago ang Kate Ganda ay nakapagpasikat muna ang Gobernador naÂminaliit ang hamon ng Street Wire ni JT Zarate.
Galing sa dalawang segundo at isang panalo ang Street Wire sa huling tatlong takbo pero naubos ito nang pagtulungan ng coupled entries na Gobernador at Mighty Zeus.
Ang Mighty Zeus na sakay ni Mark Alvarez ang naÂunang nagdikta sa pace ng karera bago pumalit ang GoÂbernador na diniskartehan ni JPA Guce, habang naÂsa balya ang Street Wire.
Balikatan ang dalawa pero may nakareserbang enerÂhiya pa ang Gobernador para manalo ng dalawang kabayong dipa sa meta.
- Latest