Kailangang matuto ng leksiyon
Pagkatapos matalo ni Nonito Donaire kay Cuban Guillermo Rigondeaux, natural, dagsa ang mga komento sa Facebook at Twitter.
May isang komento na pumukaw ng aking atensiyon. Ito ay galing kay ‘Juan Casmot’ ang alyas ng aming kaibigang si Rierra Mallari.
Sabi ni Casmot, nung matalo si Manny Pacquiao, eto ang kanyang sinabi, “Talagang ganyan ang boksing, may nanalo, may natatalo.â€
Nung matalo si Donaire, eto naman ang kanyang sinabi, “He didn’t hit me hard. I’ve been hit harder before. I couldn’t see with my eye, affecting my vision.â€
Dito makikita ang pagkakaiba ng dalawa nating boxing heroes.
Aminin natin, maraming tao na kapag nagkamit ng sunud-sunod na malaking tagumpay ay lumalaki ang ulo, nakakalimutan ang pinanggalingan, nakakalimutang magpakumbaba.
Minsan kailangang matalo, bumagsak para matuto, para magbago, para magising.
May mga pagkakataong hindi lang isang beses kailangang matalo, kailangang masundan pa ng isa para magising ng husto at magbago.
May mga nagsasabi na dinaya si Donaire ni Rigondeaux na takbo ng takbo sa ring kaya nanalo.
Ang totoo, nautakan ni Rigondeaux si Donaire. Base sa statistics ng laban, mas maraming suntok na pinakawalan si Rigo at natural na mas marami siyang naikonekta.
At kapag nakakapagkonekta ay tumatakbo ito kaya hindi makabawi si Donaire.... Mautak ano.
Isa pa, hindi dapat maliitin si Rigo dahil two-time Olympic gold medalist ito.
Kahit nga mga alamat na boksingerong si Muhammad Ali, tinatakbo-takbuhan din niya ang kanyang mga kalaban noon, hinahawakan din niya. Ganun talaga sa boksing, kailangan din ng diskarte.
Kapag natalo, nadaya agad? Hindi ba puwedeng nadiskartehan ka lang.
- Latest