^

PM Sports

SEAG PH Team sasalaing mabuti

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sapat ang pagiging ‘medal potential’ ng isang atleta para masama sa Pambansang delegasyon na ilalaban sa Myanmar SEA Games.

“Ang may potential is not good enough. There must be a better term than potential, kailangan it has to be supported by figures and fact,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia nang makaharap ang mga mamamahayag kahapon.

Mahigpit ang pagpili sa manlalarong ipadadala dahil maliit lamang ang bilang ng delegasyon matapos ipasok ng host Myanmar ang mga  la-rong pabor sa kanila at binawasan ang mga larong malakas ang Pilipinas.

“I have made that clear from the very beginning. The situation is such that we can only send a  token delegation. Dapat ang ipapadala ay may basehan. That is where the Chief of Mission and the SEA Games Task Force will come into play,” ani Garcia.

Nasa pagpupulong din si CDM Jeff Tamayo at suportado niya ang nais di lamang ni Garcia kungdi maging ng Philippine Olympic Committee.

Unang ginagawa ngayon ni Tamayo ay ang makipag-ugnayan sa mga tauhan ng PSC para alamin ang pagsasanay ng mga atletang balak isama sa delegasyon.

Pagkatapos nito ay kakausapin nila ang mga NSAs para makita ang sa wari nila ay bilang ng atleta na maaring ipadala at matapos nito ay isasalang ang mga manla-laro sa Philipine National Games na isa sa mahigpit na pagbabatayan para sa bubuuing Pambansang koponan.

“Gusto ko sanang magkaroon pa ng isang final tryouts para tuluyang masala ang mga napiling atleta but definitely, we can find the working numbers of the SEAG delegation after the PNG,” wika ni Tamayo.

Sa Mayo 26 hanggang Hunyo 2 gagawin ang PNG sa iba’t ibang lugar sa Metro  Manila at masisibak sa National team ang Pambansang atletang matatalo sa kanilang laban.

CHIEF OF MISSION

GAMES TASK FORCE

GARCIA

JEFF TAMAYO

MYANMAR

PAMBANSANG

PHILIPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with