^

PM Sports

Gems, Elite namayagpag

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumawa ang Cebuana Lhuillier ng walong three-pointers sa first  half para madaling maigupo ang Hog’s Breath, 84-62 sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May apat na tres si Alvin Padilla tungo sa 18 puntos habang sina Gabriel Banal at Paul Zamar ay nagsalo sa 26 puntos, kasama ang tatlong tres at ang Gems ay umakyat sa 3-2 karta para saluhan ang pa-hingang Boracay Rum sa ikaapat at limang puwesto.

“Ayaw namin na lumasap ng dalawang sunod na kabiguan para hindi maapektuhan ang paghahabol namin sa playoff kaya mahalaga itong panalo na ito,” wika ni Gems coach Beaujing Acot na lumasap ng 80-87 pagkatalo sa Blackwater Sports sa huling asignatura.

Samantala, nanatiling walang panalo ang Informatics nang padapain ng Blackwater Sports, 89-73 sa ikalawang laro.  May 18 puntos at 11 rebounds si Pari Llagas habang si Justin Chua ay nagdagdag ng 15 para sa Elite na agad na lumayo sa 18-9 tungo sa panalo.

“Ang gusto lamang namin ay manalo nang manalo para magkaroon ng magandang puwesto at makapasok na sa semifinals,” wika ni Elite coach Leo Isaac na sinolo uli ang ikalawang puwesto sa kinuhang ikaapat na panalo sa limang laro.

May 32 puntos si Jeric Teng pero hindi sapat ang kanyang ginawa para pigilan ang losing streak ng Icons na ngayon ay nasa apat na sunod na.

Lagapak sa ikaapat na kabiguan sa limang laro ang Razorbacks para makasalo sa gaya nilang baguhan na Jumbo Plastic sa ika-10 at 11 puwesto sa team standings.

Cebuana Lhuillier 84 – Padilla 18, Banal 14, Zamar 12, Buensuceso 7, Aguilar 6, Bautista 5, Custodio 5, Bustos  4, Lopez  4, Martinez 3, Montecastro 3, Elinon 2, Chiu 1.

 Hog’s Breath 62 – Lima 12, Pangilinan 10, Belorio 9, Robles 8, Roy 7, Morillo 6, Eman 4, Alguno 2, Malinao 2, Racal 2.

 Quarterscores: 22-15; 47-27; 65-45; 84-62.

Blackwater Sports 89 – Llagas 18, Chua 15, Vigil 11, Celiz 9, Mangahas A. 7, Bagatsing 6, Mangahas J. 5, Lo 4, Austria 4, Suguitan 4, Ciriacruz 4, Ferrer 2.

Informatics 73 – Teng 32, Mabayo 11, Matute 10, Acidre 10, Rogado 4, Ablaza 2, Acuña 2, Gamboa 2.

 Quarterscores: 24-16; 41-32; 69-54; 89-73.

vuukle comment

ALVIN PADILLA

BEAUJING ACOT

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

GABRIEL BANAL

JERIC TENG

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with