^

PM Sports

Hindi matinag ang Heat sa tuktok ng NBA Power Rankings

Pang-masa

Matapos ang 23-sunod na tagumpay, nanatili si Le-Bron James at  Miami Heat sa tuktok ng Yahoo! Sports NBA Power Rankings sa ikatlong sunod na linggo.

Taglay na ngayon ng Miami ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng NBA at ngayon ay sinisikap nilang habulin ang record ng LA Lakers na 33 sunod na panalo noong 1971-72.

 Ang susunod na apat na laro ng Heat ay kontra sa mga mahihinang teams na Cleveland, Detroit, Charlotte at Orlando bago harapin ang Chicago Bulls na posibleng balikan na ni Derrick Rose sa March 27.

Mas marami na ngayon ang panalo ng Miami at mas mataas na ang winning percentage nila kaysa sa San Antonio Spurs matapos ang isang linggong aksiyon.

1. Miami Heat (52-14, dating ranking: first): Magbabalik si LeBron James  sa kanyang dating tahanan nitong Miyerkules sa pakikipagharap ng Heat kontra sa Cleveland Cavaliers na tangka ang kanilang ika-24 sunod na panalo. Ang Cleveland ay natalo ng tatlong sunod.

2. San Antonio Spurs (51-16, dating ranking: second): Inaasahang magbabalik aksiyon na ngayong weekend ang na-injured na si guard Tony Parker (siko). Kung patuloy na mananalo ang Miami, ang Spurs ay may tsansang wakasan ang pananalasa ng Heat sa San Antonio sa March 31.

3. Oklahoma City Thunder (50-18, dating ranking: third): Ang Thunder ay mahaharap sa dalawang magkasunod na mabigat na laro sa pagho-host sa Denver na tumalo sa kanila, 114-104 at pagbisita sa Memphis nitong Miyerkules. Halos sigurado na ang  Thunder sa top two seeds ng West.

4. Denver Nuggets (47-22, dating ranking: sixth): Kung hindi lang nasasapawan ng Miami, mainit din ang Nuggets na naka-13 sunod na panalo na matapos igupo ang Thunder nitong Martes, 114-104.

5. Los Angeles Clippers (46-22, dating ranking: fifth): Lalaruin ng Clippers ang anim sa kanilang huling 15 games kontra sa mga nagpapanalong teams at tatlo rito ay sa kanilang sariling balwarte. Makakatapat ni All-Star Chris Paul si  Deron Williams ng Brooklyn sa Sabado sa Los Angeles.

6. Memphis Grizzlies (45-21, dating ranking: fourth): Magpapahinga ang Grizzlies nitong Martes bago dumayo sa  Memphis kinabukasan. Ang Grizzlies ay may 9-laro sa huli nilang 17-games kontra sa mga koponang nagpapanalo.

7. Indiana Pacers (42-26, dating ranking: seventh): Taas baba ang Pacers sapul nang matalo sa Miami noong March 10 dahil natalo sila ng dalawa sa huling 4-games. Naglalabanan ang Nets at Knicks para sa second seed sa Eastern Conference playoffs.

8. Brooklyn Nets (39-28, dating ranking: ninth): Babalik si Deron Williams sa dati niyang tahanan sa pakiki-pagharap  ng Brooklyn sa Dallas nitong Miyerkules. Huwag nang magtaka kung ibu-boo siya ng mga tao matapos iwanan ang Mavericks noong nakaraang summer.

9. Golden State Warriors (39-30, dating ranking: 10th): Nakarekober na ang Warriors sa kanilang pagdausdos nang manalo ng apat sa kanilang huling 5-games. Haharapin ng Golden State ang mapanghamong roadgame sa Miyerkules sa San Antonio, kung saan huli silang nanalo noong Feb. 15, 1997.

10. New York Knicks (39-26, dating ranking: eighth): Mabuti na lang at nanalo ang  Knicks nitong Lunes kontra sa Utah kahit wala sina All-Stars Carmelo Anthony at Tyson Chandler para makabangon mula sa four-game losing streak.

 

ALL-STAR CHRIS PAUL

ALL-STARS CARMELO ANTHONY

DATING

DERON WILLIAMS

MIAMI HEAT

MIYERKULES

RANKING

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with