Shimmering Pebbles nais ibalik ang dating kinang
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Shimmering Pebbles na makaba-ngon mula sa pangatlong puwestong pagtatapos sa hu-ling takbo sa pagbabalik-aksyon ng kabayo sa pagdaraos ng pista sa Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.
Si Jessie Guce ang hinete ng kabayo at balak nilang makatikim uli ng panalo na huling nangyari noon pang Marso 6.
Labanan sa class division I ang mangyayari at ito ay inilagay bilang race six sa maigsing 1,000m distansya.
Nasa 11 kabayo ang magsusukatan at palaban din ang King Patrick, Sweet Lohrke at All Out.
Sa race 4 ang tampok na karera dahil ang mananalo sa 3YO Maiden 1-2, 4YOM2 at 6YM1 ay tatanggap ng P10,000.00 premyo mula sa Philippine Racing Commission (Philracom).
Ang mga maglalaban sa race four na karera ay ang Lucky Dream, Golden Sphinx, Le Grand, Magical Boy, Makikiraan Po, Lex Forelli, Super Whaaa at coupled entry na Real Pogi, Good Investment, Teddy’s Song at Building Code.
Halos galing sa pahinga ang mga maglalaban sa nasabing karera na magbibigay daan para maging balikatan ang aksyon upang maibulsa ang karagdagang premyo.
Ang Building Code ay pumangalawa sa huling takbo laban sa El Matador noong Pebrero upang bahagyang mapaboran tulad din ng Lucky Dream na nalagay sa segundo puwesto noong Marso 14 sa nasabing karerahan.
Sa race three gagawin ang pinakamahabang distansyang paglalabanan na nasa isang milya at pitong kabayo ang magsusukatan na pawang edad tatlong taon.
Ang Urban Cool na hahawakan ni Jonathan Hernandez ang ipinapalagay na mapapaboran matapos manalo noong Marso 8 habang ang hahamon ay ang mga kabayong Basic Instinct at Oh Boy Iam Sweet.
- Latest