^

PM Sports

Mikee Romero panauhing pandangal sa Milo-PSA Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bata at masigasig na sportsman-businessman na kumakatawan sa mga bagong sports leaders ang magi-ging guest of honor sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Sabado sa grand ballroom ng Manila Hotel.

 Si Globalport 900 Inc. team owner at sports patron Mikee Romero ang makakasama ng pinakamatandang media organization sa isang two-hour special rites na magpaparangal sa mga pinakamahuhusay sa sports sa taong 2012.

 Makakahanay ni Romero sa presidential table sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia.

 Sinabi ni PSA president Rey Bancod ng Tempo na ang solidong suportang ibinibigay ni Romero sa sports ay hindi matatawaran mula sa kanyang pagtulong sa basketball, baseball, cycling, shooting, mixed martial arts at ang huli ay sa volleyball at polo.

Bilang guest speaker, masasaksihan ni Romero ang mga potential athletes na tatanggap ng Tony Siddayao Awards at ang mga kikilalaning Milo Junior Athletes of the Year.

Ang awards night na isasaere ng DZSR Sports Radio 918 ay inihahandog ng Philippine Sports Commission, Smart, Meralco, Rain or Shine, Globalport 900, Philippine Basketball Association, ni Senator Chiz Escudero, ICTSI and Philippine Golf Tour, LBC, SM Prime Holdings at San Miguel Corporation.

Katatapos lamang ng dating De La Salle player sa pamamahala sa isang two-day polo festival sa Alabang Country Club field sa hangarin niyang maging pamilyar ang nasabing sport sa bansa.

Siya rin ang team manager ng La Salle Lady Spi-kers na nakamit ang ikatlong sunod na UAAP women’s volleyball championship kamakailan.

 â€œThat only shows how passionate Mr. Mikee Romero is as far as uplifting Philippine sports is concerned,” sabi ni Bancod.  

 Si Romero at ang mga top ranking sports officials ang maggagawad ng Athlete of the Year award sa mga co-winners na sina Nonito Donaire Jr., Josie Gabuco, ang Ateneo Blue Eagles team at ang Manila women’s softball team.

 

ALABANG COUNTRY CLUB

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETE OF THE YEAR

DE LA SALLE

JOSIE GABUCO

LA SALLE LADY SPI

MANILA HOTEL

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with