Nag-init si Buenafe
MANILA, Philippines - Kinamada ni Ronjay Buenafe ang lahat ng kanyang 19 puntos sa fourth quarter habang muntik nang makapagtala ng triple double si Chris Ross para magbida sa 112-104 panalo ng Meralco kontra sa Barako Bull kagabi na nagresulta ng highest scoring game sa kasalukuyan sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Isang 19-4 run sa fourth quarter, 12 puntos mula kay Buenafe, ang kinailangan ng Bolts para maitala ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo sa torneo at umakyat sa solong pang-apat na puwesto sa team standings sa kanilang 4-3 record, sa likod ng Alaska (6-1), Rain or Shine (5-1) at Petron Blaze (5-2).
Nagdagdag ng 17 puntos, 11 assists at walong rebounds si Ross sa panalo ng Meralco.
“We were preparing ourselves defensively so it’s such a great relief using our offense as our arsenal,†pahayag ni Meralco head coach Ryan Gregorio, sabay papuri sa kanyang mga tirador sa pangunguna ni Buenafe, na bago ang laro ay nag-a-average lamang ng 8.2 puntos sa 15.2 minutong average playing time.
“It’s good to see players waking up after a long sleep like Ronjay who answered the call. Tonight Buenafe shown brightest offensively for us,†wika ni Gregorio tungkol sa ginawa ni Buenafe na pa-ngalawang pinakamataas na iskor sa isang quarter sa conference ng kahit sinong player, sumunod lamang sa 20 ni KG Canaleta sa naging 86-83 pagkatalo ng Air21 sa Talk ‘N Text noong Feb. 15.
Ang conference-high na 37 puntos at 25 rebounds naman ni Evan Brock ang nanguna para sa Barako Bull na nakalasap ng pang-apat na sunod na talo nito para bumaba sa 3-5 ang karta.
- Latest