2-0 asam ng Air21
MANILA, Philippines - Asam ng Air21 na magtala ng kanilang kauna-unahang 2-0 start sa conference sa pakikipagharap nito laban sa three-peat Philippine Cup champion Talk ‘N Text sa pagpapatuloy ng second conference action sa Smart Araneta Coliseum.
Makakaharap ng Express ang Tropang Texters sa alas-5:15 ng hapon na unang laro na susundan naman ng salpukang Globalport at Barangay Ginebra San Miguel sa alas-7:30 ng gabing second game.
Bukod sa kauna-unahang 2-0 na simula sa batang kasaysayan ng kanilang prangkisa sa PBA, pagsosyo sa team standings din kasama ng Alaska at Barako Bull ang habol ng Air21 na tinalo ang Kings, 74-70 sa kanilang unang laro noong Linggo.
Nagbida sa panalo ng Express laban sa Barangay Ginebra ang import nilang si Michael Dunigan na nagtapos na may 26 points, 19 rebounds, limang shotblocks at tatlong assists.
Pero ayon kay Air21 head coach Franz Pumaren, depensa ang nagpanalo sa kanila sa Kings.
“We won this game not because of our offense but because of the defensive aspect of this game and Michael was a big factor with his intimidation underneath. When we need to score he was always there. He just has to get used to the pushing and shoving,†pahayag ni Pumaren pagkatapos ng kanilang unang panalo.
“With all due respect to my players, we’re the weakest team in terms of locals. Halos lahat nag-upgrade, kami lang ang hindi,†paliwanag nito.
Bukod sa Air21, ta-nging ang Rain or Shine lamang ang wala ding bagong local player.
Makakatapat ng Express ang isang koponang hindi lang nagdomina ng nakaraang tatlong all-Fili-pino conferences kundi galing din sa 99-92 pagkatalo sa kanilang unang laro noong Sabado laban sa Meralco.
Namemeligrong magkaroon ng 0-2 na simula ang Talk ‘N Text ng pangalawang beses sa nakaraang tatlong conferences. Huling natalo sa kanilang unang dalawang laro sa conference ang Tropang Texters sa 2012 Governors Cup, na nagresulta ng pagkaputol ng kanilang limang sunod na pagpasok sa PBA Finals.
- Latest