^

PM Sports

Heat giniba ang Lakers

Pang-masa

MIAMI -- Umiskor si LeBron James ng 32 points mula sa kanyang 12-for-18 fieldgoal shooting, habang nagdagdag ng 30 si Dwyane Wade para pangunahan ang Miami Heat sa 107-97 paggiba sa bisitang Los Angeles Lakers nitong Linggo ng gabi.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Heat.

Ito rin ang pang-limang dikit na laro kung saan tumipa si James ng higit sa 30 points, isang franchise record.

Dahil dito, nakasama niya sina Adrian Dantley (1979) at Moses Malone (1982) bilang tanging mga NBA players na tumipa ng higit sa 30 points at nagtala ng 60 percent fieldgoal shooting sa 5-sunod na laro.

“Don’t take it for granted,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “He’s making greatness look easy.’’

Nagdagdag naman si Mario Chalmers ng 13 points kasunod ang 12 ni Chris Bosh na humablot ng 11 rebounds para sa Heat.

Nagposte si Kobe Bryant ng 28 points at 9 assists para sa Lakers, nakahugot ng 18 points kay Earl Clark.

Napuwersa ang Lakers sa walong turnovers sa fourth quarter.

“Turnovers,’’ wika ni Lakers coach Mike D’Antoni. “You have to give them credit. They’re good.’’

Kapwa naglista sina Dwight Howard at Steve Nash ng tig-15 markers para sa Lakers.

Umiskor si James ng 20 points sa buong second half at gumawa ng 18 si Wade para sa Miami, kinuha ang 89-82 kalamangan sa final canto.

 

ADRIAN DANTLEY

CHRIS BOSH

DWIGHT HOWARD

DWYANE WADE

EARL CLARK

ERIK SPOELSTRA

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MARIO CHALMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with