Spurs nasa unahan pa rin ng NBA Power Rankings
Kumusta naman ang San Antonio Spurs na nanalo ng 10-sunod na laro kahit wala sina Tim Duncan, Manu Ginobili at coach Gregg Popovich?
Una, pang-MVP ang nilalaro ni guard Tony Parker. Maganda ang ipinapakitang depensa ng San Antonio.
Dahil dito, nanatili ang Spurs sa tuktok ng Yahoo! Sports’ NBA rankings sa ikalawang sunod na linggo matapos ang mga laro noong Lunes.
1. San Antonio Spurs (38-11, dating ranking: first): Ipahinga kaya ng Spurs si Duncan (may injury sa tuhod at bukung-bukong) sa All-Star break? Dahil importante si Duncan sa kasalukuyang kampanya ng Spurs, magandang ideya ito. Pero nakabantay si NBA commissioner David Stern.
2. Oklahoma City Thunder (36-12, dating ranking: second): Mula sa pagiging ‘good guy’ ay nakuha ni Kevin Durant ang kanyang ika-siyam na technical foul sa kanilang panalo noong Lunes kontra sa Dallas. Ang mas astig na Durant ay may magandang dulot sa Oklahoma City. Pero nakabantay si Stern.
3. Los Angeles Clippers (34-16, dating ranking: third): Kung ang injury sa tuhod ni Chris Paul ang magiging dahilan para hindi ito makalaro sa West team sa All-Star game, dapat bang kunin ni Stern si Clippers guard Jamal Crawford o si Golden State guard Stephen Curry bilang kapalit?
4. Miami Heat (31-14, dating ranking: fourth): Ang Heat ay may tatlong kapana-panabik na home games kung saan mauuna sina James Harden, Jeremy Lin at Rockets nitong Miyerkules kasunod ang Clippers nitong Biyernes at ang tropa nina Kobe Bryant, Dwight Howard at Lakers sa Linggo.
5. New York Knicks (31-15, dating ranking: sixth): Ang Heat pa rin ang may pinakamagandang record sa East pero nakabawi na ang Knicks, salamat sa pagbabalik ni point guard Raymond Felton at sa patuloy na improvement ni forward Amar’e Stoudemire.
6. Memphis Grizzlies (30-16, dating ranking: fifth): Hindi naniniwala ang mga opisyal ng Grizzlies na bagay si swingman Rudy Gay sa kanilang half-court offense at ang iniisip nila ay naka-jackpot sila sa pagkuha kay veteran Tayshaun Prince at sa wala pang napapatunayang si Ed Davis bagama’t nakatipid sila sa pasuweldo.
7. Golden State Warriors (30-17, dating ranking: eighth): Ang Warriors ay nanalo ng apat na sunod at may dagdag ng size, rebounding, shot-blocking at post scoring sa pagbabalik ni Andrew Bogut.
8. Denver Nuggets (30-18, dating ranking: ninth): Hindi kailangan ng Nuggets na gumawa ng trade para makatipid bago sumapit ang deadline. Marami pa ring natatanggap na tawag ang Denver tungkol kay center Timofey Mozgov. Ite-trade lamang nila ito kung may offer ng sobrang ganda talaga.
9. Indiana Pacers (29-19, dating ranking: 10th): Makakabalik na si forward Danny Granger mula sa injury bago ang All-Star Break. Malaki ang nabago sa team sapul nang magka-injury si Granger.
10. Chicago Bulls (29-19, previous ranking: se-venth): Posibleng matatapos ng Bulls ang season na kasama si Derrick Rose at top seed sa East. Ang Chicago ay may 3½ games lang na layo sa Heat, ngunit kaila-ngang makabalik na si Rose sa kalagitnaan ng March.
- Latest