PSC namigay ng Christmas bonus sa mga atleta
MANILA, Philippines - Namahagi ang Philippine Sports Commission ng bonus sa mga miyembro ng national training pool at coaches.
Ang Christmas bonus na P3,000 ay tinanggap ng mga athletes at coaches sa kanilang Christmas party noong Biyernes ng gabi sa NinoyAquino Stadium.
“For your hardwork, the PSC has deposited P3,000 each on your ATM (automated teller machine) account for your hardwork the whole year,” sabi ni PSC chairman Richie Garcia.
Hinikayat din ni Garcia ang mga national athletes na magsikap para sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
“I wish everyone well and an enjoyable holiday vacation so that when everyone returns to training, all will be refreshed in preparation for the next year’s SEA Games in Myanmar,” ani Garcia.
Samantala, inihayag naman ni PSC Commissioner Jolly Gomez ang pagpapaliban nila sa Christmas party ng kanilang mga empleyado.
- Latest