Pacquiao tatayong boxing commentator: Viloria asam ang korona ni Marquez
MANILA, Philippines - May 17 panalo si Filipino world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria laban sa mga Mexican boxers.
Kabilang dito sina dating world champions Ulises Solis, Pingo Miranda, Omar Niño Romero, Giovanni Segura.
Ngayon ay tatangkain ng 31-anyos na si Viloria na makuha ang kanyang pang-18 panalo laban sa mga mexicans sa pagsagupa sa 24-anyos na si flyweight titlist Hernan ‘Tyson’ Marquez.
“I’m going to show him, I will box with class, intelligence, win the fight one round at a time, I will have another victory over another Mexican and will do my Hawaiian dance as I always do every time I win,’’ ani Viloria sa kanilang upakan ni Marquez sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.
Ilang Pinoy boxers naman ang nakalaban ni Marquez, kabilang dito sina unified world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na tumalo sa kanya at si Richie Mepranum na kanyang binigo.
“I recognize Viloria’s quality as a fighter, he is a great champion, it won’t be an easy fight, but I will win,” sabi ni Marquez.
Itataya ni Viloria ang kanyang bitbit na WBO flyweight crown, habang isusugal ni Marquez ang kanyang suot na WBA flyweight belt.
Dala ni Viloria ang kanyang 31-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 knockouts, samantalang hawak ni Marquez ang kanyang 34-2-0 (26 KOs) card.
Si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang uupo sa ringside at magsisilbing commentator para sa GMA Channel 7 at sa Mexican broadcast station na Azteca 7.
- Latest