Kobe hindi pa rinnakakapag-ensayo
EL SEGUNDO, Calif. -- Hindi nakapag-ensayo si Kobe Bryant sa huling linggo ng team practice ng Los Angeles Lakers dahil sa kanyang injury.
Hindi alam ng kanyang mga kakampi ang bago nilang opensa.
At nanggaling ang Lakers sa 0-8 record sa preseason na pinakamasamang kartada sa kanilang franchise history.
Naupo si Bryant noong Lunes habang sumuong ang kanyang mga kakampi sa isang mahabang pag-eensayo bilang paghahanda sa kanilang season opener laban sa Dallas.
Ito ay una sa apat na laro na sasabakan ng Lakers sa loob ng anim na araw.
“I think all of us are ready for the popcorn and the lights to come on tomorrow,” sabi ni Dwight Howard na napanood sa dalawang preseason games ng Lakers matapos sumailalim sa isang back surgery. “It’s not going to come overnight. We all understand that. We just have to stay patient through the whole process. We have to keep working, and we’ll be fine.”
Ipinapahinga pa ni Bryant, ang pang limang leading scorer sa NBA history, ang kanyang kanang paa.
Hindi pa nagdedesisyon ang Lakers kung paglalaruin si Bryant kontra sa Mavericks.
“We’ve got to worry about that when it comes, but I can see him playing tomorrow, definitely,” ani Metta World Peace kay Bryant.
“When Kobe is hurt, whether it’s the preseason or the playoffs, he plays. ... Kobe has never been afraid to be hurt and play. I think his mind is different from other people,” dagdag pa ni World Peace sa kanyang kakampi.
- Latest