^

PM Sports

Akari natuto na ng leksyon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaking leksyon ang natutunan ng Akari sa kauna-unahan nilang Premier Volleyball League (PVL) finals appearance sa nakaraang Reinforced Conference.

Kaya kaagad silang humataw ng dalawang sunod na panalo para pa­ngunahan ang 2024-25 PVL All-Filipino Conference.

“Iyong last conference po maganda pong ex­perience po ‘yun sa amin. At the same time po, ‘yung tinrabaho po namin kung papaano pa po kami magiging better kumpara sa last conference po para habang tuluy-tuloy po ‘yung panalo po namin, natututo pa rin po kami,” ani Ivy Lacsina sa Chargers.

Yumukod ang Akari sa nagreynang Creamline sa PVL Reinforced Conference Finals noong Setyembre kung saan nila ipinarada si American import Oly Okaro.

Sa likod ni Okaro ay ipinoste ng Chargers ang 10-0 record bago natalo sa Cool Smashers sa cham­pionship game.

Ngunit wala nang aasahang Okaro ang Akari sa PVL All-Filipino Confe­rence, ayon kay Lacsina.

Malaking tulong din si Japanese coach Taka Minowa sa magandang inilalaro ni Lacsina sa torneo.

Unang tinalo ng Chargers ang Galeries Tower Highrisers, 28-30, 25-15, 25-16, 25-23, bago isinunod ang ZUS Coffee Thunderbelles, 25-14, 25-21, 19-25, 25-23.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with