Melancholic Depression
Ang kakulangan sa Vitamin B12 ay inuugnay sa mental sign deficiency o pagkapurol ng brain.
Sa research, karaniwang problema ng thinking at memory skills ay indikasyon ng kakulangan ng vitanim B12. Ang taong kapos sa vitamin B12 ay posibleng malala ang problema sa memory ng mga ideas at events.
Ang mga senyales ay nakararanas na laging pagod, nanghihina ang mga muscles, at constipated. Ang iba ay kulang din sa folate. Ang vitamin B12 at folate ay parehong importante sa function ng nerve, brain health, at DNA.
May mga pagkain at supplements na maaaring pagkuanan ng mga nasabing vitamins. Pagdating sa vitamins B12 ay mayaman ang itlog, poultry, isda, low-fat milk, breakfast cereals, at iba pa.
Ang kakulangan sa Vit. B12 ay kadalasan sa matatanda, naninigarilyo, at mayroong digestive problems.
Ang defeciency ng vitamins B12 ay ini-link din sa pagkakaroon ng depression. Ang typical na sintomas ay ang mababa ang mood, walang energy, at hirap na makapag-concentrate. Ang mga taong kulang sa vitamin B12 ay triple ang risk na ma-develop melancholic depression.
Importante na balanse ang mga nutrients gaya ng vitamins B12 para tumalas ang isipan at gumanda ang mood.
- Latest