Ang isa sa popular na positive thinking na exercise ay ang positive affirmation. Ibig sabihin ay paulit-ulit na magsambit ng positibong phrase sa sarili sa regular na basis gaya ng “I deserve to be happy.”
Puwede rin ang mga kanta na may mga lyrics tulad ng “I’m So Wonderfully made” na nagsasabi ng mga bagay ng iyong kahalagahan bilang paalala na magkaroon ng magandang pananaw sa buhay.
Marami rin mga verses sa Bible na panghahawakan sa buhay na magpapalakas ng loob bilang pagtitiwala sa Panginoon sa gitna ng mga problema, kalungkutan, kahirapan, at kaguluhan. Upang hindi matinag sa hamon ng buhay sa araw-araw.
Upang huwag magkaroon ng puwang ang negatibong pag-iisip na hahatak sa iyo pababa na magbibigay ng anxiety, stress, o pressure. Kundi palitan ng mga mantra, quotations, at higit sa lahat ay verses na pananggalang at sandata para magkaroon ng mental health.