Pagkain na dapat iwasan kung may depression at anxiety
Kung panay ang kain ng mga processed meat, pritong pagkain, refined cereals, candy, pastries, at hight fat dairy products ay malamang ikaw ay prone na magkaroon ng anxiety at depression o mas nagpapalala sa iyong sitwasyon. Pero kung ang pokus sa pagkain ay yung mga whole fiber-rich grains, prutas, gulay, at isda ay nakatutulong na hindi magkaroon ng mood swings.
Ang pagkain na mayaman sa fiber tulad ng prutas at gulay ay nagpapabusog at nagpapabagal naman sa daluyan sa dugo sa proseso ng energy. Kung walang fiber at puro pag-inom lang ng mga sugar-water gaya ng softdrinks at ibang matatamis na inuman, madali rin ma-hyper at mabilis din maging down ang pakiramdam.
Ang tendency ay nagugutom agad na nagti-trigger ang galit na hindi rin nakatutulong sa iyong anxiety at depression. Kumain ng mga prutas at gulay. Kung nauuhaw ay huwag softdrinks o fruit juice ang pagbalingan, kundi uminom lamang ng tubig.
- Latest