Kapag kulang sa tulog…
Ang tao ay makatitiis ng walang pagkain, pero hindi maka-survive kapag walang tulog. Sa dalawang taon buhay ng baby, halos anim na buwan naman walang tulog ang mga magulang.
Sa eskperimento ng Russian scientist na si Marie Mikhailovna de Manacee, nalaman nito ang mga puppies na kulang sa tulog ay namamatay sa loob ng apat hanggang anim na araw, kahit nag-effort pa na buhayin ang mga tuta. Mas bata ang mga puppies, mas madali rin silang namatay.
Ang sakit sa puso, diabetes, at obsesity ay may koneksyon sa kakulangan ng pagtulog. Mahigit dalawang milyon naman ang mga bata na may sleep disorder. Ang taong naka-comatose o tinurukan ng anesthesia ay nakatutulog, pero ayon sa active brainwave hindi talaga normal ang kanilang na pagtulog.
Sa research, ang pagtulog ay nagsisilbing recharge sa mga babae at bata. Mas mahaba naman ng 9% ang tulog ng mga single kumpara sa mga nanay. Mataas din ang bilang sa mga babae may insomnia kumpara sa mga kalalakihan. Karaniwan 65 % ng mga tao sa U.S. ay hindi rin nakakatulog dahil sa stress. Kung gusto mong i-torture ang isang tao, ay huwag mo itong patulugin. Sa pagsabay ng modernong buhay, nagiging normal na lang ang kakulangan sa pagtulog, pero hindi dapat masanay na i-deprive ang sarili sa pagtulog para maging healthy.
- Latest