^

Para Malibang

‘Lower Back Pain (7)

BODY PAX - Pang-masa

Last part

Bitamina D. Nagbibigay ito ng tumpak na pagsagap ng calcium at phosphorous na kailangan para mapana­ti­   ling malusog ang mga buto, kasukasuan, at sistema ng nerbiyos. Mahalagang sangkap din ito para makaiwas sa osteoporosis. Makikita ito sa itlog, butter, liver, cod liver oil, at whole milk.

Magnesium. Pinarerelaks nito ang kalamnan. Mahalaga rin ito para mapatibay ang puso, at tumutulong para sa pagkonrol ng presyon ng dugo. Ang mga pagkaing may magnesium ay gulay, saging, butil ng trigo, isda, halamang-dagat, at binurong prutas.

Calcium. Kailangan ito para sa ibat’ ibang tungkulin ng katawan— murang buto hanggang sa pamumuo ng buto, at tungkulin ng muscles. Kabilang sa pagkaing ito ang gatas, keso, yogurt, maberdeng gulay, sardinas, whole grain cereals, at calcium enriched soymilk.

Pottasium. Isa ito sa mga electrolyte na kailangan para mapanatili ang kalusugan. Pinalalakas nito ang buto at pinabibilis ang transmisyon ng mga nerbiyos. Matatagpuan ang pottasium sa prutas, gulay, at halamang-ugat, gaya ng patatas, cauliflower, kamatis, at saging.

Mga Pagkaing Dapat Iwasan

Kapag may pananakit ng likod, ipinapayo ang pag-iwas sa mga pagkaing gaya ng mga sumusunod:

Trigo (whole wheat grains). Mayroon itong phytate, na humahadlang sa pagsipsip ng calcium, kung kaya nagkakaroon ng kakulangan ng calcium sa katawan. Inilalagay nito sa panganib ang kalusugan ng mga buto

Maasidong pagkain at inumin. Sanhi ito ng pangangasim ng sikmura. Ipinapayo ang pag-iwas sa pag-inom ng kape, tsaa, softdrink, alkohol at dinalisay na asukal.

Labis na dairy pro­ducts. Ito ang sanhi ng sobrang asido sa sikmura. Isama sa pagkain ang ibang pagkaing mayaman sa calcium, maliban sa dairy products (tsokolate, keyk, ayskrim)

Labis na pagkaing maalat. Binabawasan nito ang calcium sa katawan lalo na sa mga may edad.

Mga pagkaing mayaman sa oxalates (rhubarb, spinach at beets). Binabawasan nito ang pagsipsip ng calcium, at nagreresulta ng mababang antas ng calcium sa katawan.

BINABAWASAN

BITAMINA D

CALCIUM

INILALAGAY

IPINAPAYO

MGA PAGKAING DAPAT IWASAN

PAGKAING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with