Mababang potassium
Ang Potassium ay isang importanteng mineral sa ating muscles para gumana ng maayos ang mga ito, kagaya ng ating puso. Mahalaga ito para ma-regulate ng maayos ang ating dugo. Tinatawag na hypokalaemia ang mababang lebel ng potassium sa katawan.
Ang mababang lebel ng potassium (hypokalaemia) ay maaring magdulot ng panghihina at makaapekto sa cellular processes.
Isa itong mineral ( electrolyte) na kailangan ng ating katawan. Nasa 98% ng potassium ang makikita sa loob ng ating cells. Sa maliit na pagbabago ng lebel ng potassium sa labas ng ating cell ay maaaring magdulot ng malalang epekto sa ating puso, ugat at mga muscles. Ang ating kidney ang kumukontrol sa tamang balanse at naglalabas sa ating katawan ng sobrang potassium sa pamamagitan ng pag-ihi. 3.5-5.0 mmol/L (millimoles kada litro) ang lebel ng potassium na kailangan ng ating katawan.
Sa mga taong may problema sa pagkain tulad ng anorexia nervosa at bulimia, pasyenteng may AIDS, alcoholics, at mga taong sumailalim sa bariatric surgery ay may mataas na insidente ng hypokalaemia.
- Latest