^

Para Malibang

Benepisyo ng pagtulog

Pang-masa

Last Part

Ito ay karugtong ng talakayan kung anu-anong benepisyo ang naibibigay ng pagtulog sa katawan ng tao. Narito ang ilan:

Nagpapaganda – Isa sa pinakaimportanteng benepisyo ng pagtulog ay  ang otomatikong pagpapaganda sa katawan ng tao dahil kusang dumarami ang protina sa loob ng katawan na siyang tumutulong para i-repair ang mga damage cell nito na dulot ng stress, ultraviolet radiation at iba pang masamang elemento na nae-expose sa tao.

Bumababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng depression – Kapag kulang sa tulog, tumataas ang kemikal na serotonin sa katawan ng tao na siyang nagiging dahilan ng depresyon sa tao.  Kaya kung may tamang oras ng pagtulog, Malabo kang makaranas ng depression kahit pa mayroon kang dinadalang problema.

Balanseng diet – Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring magdulot ng hindi balanseng “leptin at ghrelin hormones”. Ang mga hormones na ito ay importante sa pagre-regulate ng pagkain ng tao. Ito rin ang nagko-control sa metabolism ng katawan ng tao. Kaya kung nais na mapanatili ang magandang pigura ng katawan, dapat ay may sapat na tulog.

Para magkaroon ng masarap na pagtulog, dapat na iwasan ang panonood ng telebisyon habang nakahiga sa kama at patayin maging ang ilaw ng computer at cell phone. Ang mga ilaw nito na tinatawag na “blue light” ay maaaring makapagpapigil sa iyong antok at pagtulog.  Iwasan din ang pagtulog sa hindi tamang oras. Kumain lang din ng kaunti kapag gabi upang maiwasan ang mabigat na pakiramdam ng tiyan at katawan.

BALANSENG

BUMABABA

KATAWAN

KAYA

LAST PART

PAGTULOG

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with