Kaya pa bang kumandidato ulit ni Nora?
Talagang natigalgal kami nang makita naming hindi pala biro kundi talagang nagsumite ng COC para sa party-list si Diwata na nagtitinda ng pares na may unli rice at unli sabaw sa may malapit sa senado.
Kung sa bagay yumaman na naman siya, kung makikita mo siya ngayon, oo nga at naka-sando at shorts pa rin pero halos mabali na ang leeg sa rami ng nakasabit na ginto. At sikat siya kahit na bina-bash din siya sa social media.
Siguro kung may social media na rin noong araw, baka naging congresswoman din si Aling Bating na nagtitinda ng pan de sal na may palamang pansit sa tapat ng eskuwelahan. Diyes lang ang isang pan de sal na may pansit kaya sikat na sikat si Aling Bating, mas sikat siya at mas mabait kaysa kay Diwata, kung walang pera ang bata kahit na singko na lang ang bayad sa tinapay na may pansit, eh si Diwata hindi man lang ngumingiti sa mga nakikipag-selfie.
Isa pang nagulat kami at tumakbong konsehal sa Tarlac ay si Ion Perez. Sumali lang sa isang male personality contest, nakilala si Vice Ganda, naging mag-syota sila at ngayon konsehal na? Kung sa bagay matagal pa naman ang deadline ng filing ng COC, pero hindi na kaya muling mag-file si Nora Aunor ng COC bilang kinatawan ng kanyang partidong NORA?
Noon ay na-disqualify iyon dahil wala raw katunayan na may ganoon ngang partido sa buong Pilipinas. Pero ngayong national artist na siya at nanalong best actress in five continents at sinasabi ng kanyang pitong fans na pitong milyon pa rin sila. Bakit nga ba hindi subukan ulit ni Nora na mag-file ng COC, buhayin niya ang kanyang party-list na NORA at nang magkasubukan na?
Eat Bulaga, pang-world record!
Maiiwan na naman ni Tito Sen ang Eat Bulaga, dahil nag-file na rin siya ng COC. Dati na naman siyang senador, naging pangulo pa ng senado at saka sa record, siya ang may pinakamahabang panahon ng paglilingkod bilang senador ng bansa. Magpapahinga lamang siya tuwing matatapos ang dalawang term at tapos sabak na naman.
Pero siguro nga panatag na naman kasi ang loob ni Tito Sen sa Eat Bulaga. Maganda naman ang takbo ng show kahit na sinasabing mas mataas ng rating ng kalaban nilang palabas sa apat na tv channels , dalawang cable channels at sa internet pa. At least sigurado na sila sa ilang taon na lang na ipaghihintay at aabot na nga sila sa 50 taon.
Walang tumagal nang ganyan sa buong mundo. World record ang hinahabol nila eh.
Pet shop, nadawit sa panghahalay ng may-ari
Natawa rin kami noong isang araw nang i-post pa ni Enzo Almario ang pictures ng pet shop sa isang mall kung saan sinabi niyang una siyang hinalay ng baklang musical director na may-ari rin ng pet shop.
Nagsimula raw iyon nang manood sila ng sine. At doon sa loob mismo ng sinehan ay tiningnan ng bakla ang kanyang private parts. Tapos siguro nakita na, hindi na nakapagpigil, dinala na siya sa office noong pet shop at doon naganap ang unang milagro.
Tapos daw nasundan pa iyon ng ilang ulit pa. May isa pa raw pagkakataon na tatlo silang magkakasabay na hinalay ng bading. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na aminin iyon dahil may mga nauna na. Maging sa magulang pala niya ay hindi niya sinabi iyon. Hindi iyon dahil sa takot kundi sa kahihiyan. Ngayon inilabas pa niya pati ang picture ng pet shop. Pero nang minsang tanungin namin ang mga tao sa pet shop kung napapasyal doon ang musical director, sinabi nila sa amin na hindi na raw at iba na ang may-ari ng pet shop, pero sabi naman doon sa katapat nilang tindahan na madalas naming pinupuntahan, “nakikita pa rin diyan pero hindi na nga lang kasing dalas noong dati na araw-araw siya diyan. Simula noong pandemic bihira na lang. Simula noong lumabas iyong rape, hindi na nagpakita.”
- Latest