^

Pang Movies

Young actress na winner sa talent search, nabuntis ng content creator!

Gorgy Rula - Pang-masa

Next month na pala manganganak itong young actress na winner sa isang talent-reality search.

Parang hindi kami makapaniwalang magkaka-baby na ang magandang young actress na ito dahil ngayon pa lang sana umaalagwa ang kanyang showbiz career.

Nakailang shows pa lang ang pinagbidahan niya, at nagsisimula pa lang mag-ipon.

Pero nanaig ang pag-ibig na nagbunga agad, kaya naka-hold muna ang kanyang career.

Sobrang dismayado raw ang management team niya dahil ang dami pa naman daw nilang plano sa naturang young actress.

Sa totoo lang, puwede pa raw itong i-breach of contract, pero nakakaawa lang daw si young actress kung sasabayan pa ng kaso ang kanyang pagbubuntis.

Ang nakakadismaya pa, wala naman daw career itong lalaking nakabuntis sa kanya.

Isang content creator na hindi naman daw ganun kasikat.

Kaya baka aasa lang daw ito kay young actress kapag nagsama na sila.

Sana makabalik pa si young actress pagkatapos niyang manganak, at mabigyan pa sana ng isa pang pagkakataon.

Louise, muntik wakasan ang buhay!

Nagulat kami sa rebelasyon ni Louise delos Reyes sa nakaraang media conference ng pelikula niyang Pasahero na magso-showing na sa Oct. 9.

Binanggit niya nung araw na ‘yun na ngayong linggo daw ang Suicide Prevention Week, at inamin niyang pinagdaanan niya itong stage ng buhay niya na gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay.

Ani Louise, “Nagkaroon ako ng inner struggle that I’m not good enough. I will never be enough, and lahat ng iniisip nung time na ‘yun, how can I end this, because I’m in so much pain, na up to the point na ‘yung sakit na ‘yun naging sobrang stagnant na ‘yun na ‘yung emotion ko. Hindi na ako nakakaramdam ng happiness, I don’t feel fulfilled sa lahat ng ginagawa ko. And, palagi kong iniisip, paano kaya… ‘yung pinaka-worst na iniisip ko nung time na ‘yun, ano kaya ang nasa isip  ng mga taong nagsu-suicide? Ano kaya ‘yung thought nila, before jumping, before cutting their own wrist, their own neck. How can they handle, because I want to learn it. I want to know that idea, para lang matapos na ‘yun.”

Masaya na siya dahil unti-unti na raw siyang nakakaahon pero hindi pa masasabing okay na okay na siya.

Masaya na rin siya dahil bukod sa projects na binibigay sa kanya ng Viva, nagtatrabaho pa siya sa food company nito. Siya na ngayon si Chef MG as in Marygrace, ang tunay niyang pangalan sa Viva Food.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with